Tuesday, April 22, 2008

Swerte ko naman!


*
kwentong hango sa kasaysayan ng isang malapit na kaibigan

Naranasan mo na bang maging maswerte kahit minsan? Kahit na panandalian lang? O pang habambuhay? Noong una akala ko hindi na rin ako maging maswerte kasi nga puro sakit at kamalasan lang ang naranasan ko sa buhay. Ngunit may isang taong dumating sa buhay ko at binago ang lahat ng iyon. Akalain mo ba namang ibibigay "raw" niya ang lahat para sa akin? As in LAHAT! Oh! ang saya diba? Pero sa puso't isipan ko, takot ang naramdaman ko, paano naman kasi baka ang lahat ng ibinigay niya ay may kapalit balang araw. O baka naman hindi ko kayang bayaran at makulong pa ako ng habang buhay.

Tuwing kelangan ko ang presensya niya dumarating agad siya, kapag kelangan ko ng kakampi palagi siyang andiyan, kapag umiiyak ako mas maraming luha pa ang umaagos galing sa mga mata niya, kapag nasa piitan ako dumarating siya upang sumaklolo, kapag may problema ako sa bahay at trabaho dinadamay ko siya, puro nalang siya-siya-siya-siya... Parang hindi na ako makatayo sa sarili kong mga paa dahil nga siya ang nagpapatayo sa akin.

Sabi niya sa akin, "mahal na mahal kita", "ikaw lang ang buhay ko", "magbabago ang lahat kapag mawala ka sa akin" , "ipaglalaban kita" (mga katagang pawang nakakakilig diba?). Lahat ng gusto ko nagagawa at lahat ng ninanais ko'y nasusunod. Paano naman kasi naging sunod-sunuran siya. Hindi bale ng masaktan siya huwag lang ako. Siguro nga iyon ang nagagawa ng mga taong "Inlab". (Hindi naman maipagkaila eh.. ).. Ngunit minsan binabalewala ko lamang iyon. (Manhid ako ano???) Ni hindi ko magawang sabihin "Oy, salamat ha" o kaya "Ang bait-bait mo sa akin, salamat ha.."

Ilang beses na rin siyang umiyak dahil AKO ang dahilan. Ngunit ako?? Hindi pa umiyak na siya ang dahilan.. Ewan,,, bato ata puso pagdating sa kanya. Hindi ko ma express kung anong "pakiramdam" meron ako. Ngunit minsan ng iniwan ko siya, tinalikuran at pinabayaan parang may "kulang sa buhay ko" waring may isang malaking puwang sa buhay ko na hindi maaring kumpletohin nila o ng mga. ... magulo noh?? pero ganon ako. Nasanay kasi akong may taong nakaalalay sa akin parati. Taong inuunawa at binibigay lahat ng gusto ko. Na siyang kinatatakutan ko, baka isang araw hindi magising akong wala na pala siya sa buhay ko. Hindi ko alam kong makakayanan ko ba o hindi.

Kasalan ko naman kasi kapag nagkataon dahil naging pabaya ako at naging manhid. Ang swerte ko na naman sa taong handang mag sakripisyo alang-alang sa kaligayahan ko ngunit siya ba ay maswerte din sa kanyang pag sakripisyo sa akin??

Simula't sapol ni hindi man lang sumagi sa isipan ko na maranasan ko ang buhay na ito. Ang swerte ko naman!


2 comments:

  1. hello jean..mwah....kuyawa oi..kinsa nah sya???imo bf noh???swerte gyud kah ter..hahaha..wala pa laki nag himo ana sa ako-a =(, puro lang ako ang naga bigay..well just thank him for everything hes done to you and thank God for knowing that person...mwah sige himo sa ko task...mwah....ayo ayo gang...

    ReplyDelete
  2. hahaha... salamat sa pag-agi brey...

    ReplyDelete

Search