Bakit ba sadyang unique ang tao? haha! Bigla akong natulala at napabuntong hininga ng malalim. .. hahayz buhay!
Ano nga ba ako bilang kaibigan?
Ewan ko!
Ask my friends nalang.. marami naman akong friendship eh,
sa aming village,
sa opisina,
o maski sa daan.
Pero hindi yan ang punto ko, sa pagkakaunawa ko kasi mabuti naman akong kaibigan eh, maalalahanin, malambing, maalaga at mapagmahal.
Ngunit minsan hindi maasahan pagdating sa pera kasi nga wala kang mauutang sa akin.
Paano kasi lubog din ako sa utang.
Ngunit kong ika'y hihingi ng opinyon ko may maiibigay ako sayo.
Brilliant daw ang mga opinyon ko sabi ng isang kong kaibigan, Christy ang name nya.. barkada ko sa college.
Magaling daw akong tagapayo sa iba ngunit sarili ko hindi ko mabigyan ng payo.
Mahilig din akong magshare ng mga hinanakit ng kalooban at kasiyahan sa aking mga kaibigan.
At handa din akon makinig sa mga hinagpis nila. Ngunit masakit pala sa ego kapag ang isang kaibigan na malapit sayo may magkukunnwaring hindi nasasaktan at tila wala syang balak na ipaalam sayo na sya'y nasasaktan, nalulungkot, kailangan nya ng karamay at makakausap.
Masakit din isipin na sa kanya'y bukas ka sa lahat ng bagay ngunit close ang loob nya sayo. bwahahah,.!
Pero natuto na ako.
Kung before I would kulit you to share what's in your heart and mind...
Ngunit ngayon, kung ayaw mo! Wag mo! Kaya ko ng tiisin yon! Pag-aaralan ko na ring hindi ibabahagi sa iba ang feelings ko dahil nasasaktan lang ako kapag ako'y lilihiman,
Gusto kong sumigaw! iyong tipong soooooobbbbbrrrraaaaaaaaaaangggggggggg LAKAS! Nagagalit ako kong bakit may mga taong unfair! Haha!
Peace!!!!!!!!!!!!!!!!
no one unfair..because we are equal,,, kya cgoro ayaw nya e share sau un mga hinanakit nya kc ayaw lang nya na mag alalaka sa knya kya ganun un sa tingin ko... jean...
ReplyDelete"End_UP
Anonymous, kung sino ka man.. salamat sa iyong comment.
ReplyDelete