Tuesday, March 24, 2009

Walang Mahalaga


Sa totoo lang, wala namang mahalaga sa araw na ito nais ko lang kumustahin ang aking blog na halos napapabayaan ko na.. Hehehehe Walang mahalaga sa araw na ito ngunit bawat araw na dumadating sa aking buhay ay palagi kong pinasasalamatan sa poong maykapal. Naging mabait talaga SIYA sa aking kahit kailan man. Binibigyan NIYA ako ng problema ngunit tinitiyak niyang na kaya ko. Salat man ako sa karangyaan ngunit napakaswerte ko naman po sa ibang bagay. Sa pamilya, kaibigan at trabaho.

Masayang masaya ako ngayon. Una, dahil nalaman ko na rin kung ano ang sakit ng tatay ko. Oo alam kong hindi na siya gagaling ngunit nalaman na namin ang tamang gamot para sa kanyang "Trigeminal Neuralgia". Laking tuwa ko ng sinabi ang second doctors opinion na hindi na niya kailangan mag CT-Scan. Dgdag gastos lang kasi iyon eh. Pangalawa, sa mga taong hindi talaga ako iniiwan at pinapahalagahan ako. Pangatlo, naramdaman ko kung gaano ako kahalaga sa mga taong mahal ko.

Wala akong pagsidlan ng kaligayahan. Salamat sa lahat.

2 comments:

  1. Hi! pwede bang malaman kung anong gamot o kung sang doctor kayo nagpatingin? matagal na rin kasi akong may Trigiminal neuralgia.

    ReplyDelete
  2. Tegretol po ata ang name ng gamot... :)

    ReplyDelete

Search