Monday, May 19, 2008

Ako,, sino nga ba ako?

Ako,, sino nga ba ako?

Jean D. Diaz ang totoo kong pangalan. Ipinanganak akong mahirap at salat sa karangyaan. Lumaking hindi nakukuha ang lahat ng materyal na bagay ngunit ako na ang kinukunan ng disisyon ng pamilya. Ako'y panganay at kung sakit at hirap lang ang pag-uusapan rank number one siguro ako. Na siyang naging dahilan kung bakit naging bato na yata ang puso ko. Ni hindi na ako marunong magmahal at puro poot at paghihiganti na ang nasa puso't isipan ko. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako... Kahit alam kong talo na nga ako pero pinipilit ko paring mananalo at naging matagumpay naman. Hindi pa ako natatalo.. at ayaw kong magpatalo.. at iyon ang mahirap sa akin.. ang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo..

Minsan, may taong umapak ng pagkatao ko lahat sila,, kaibigan, kamag-anak at marami pang iba. Ngunit ang lahat na masasakit na salitang narinig ko galing sa kanila itinanim ko iyon sa aking isipan at sinabing balang araw magsisisi silang lahat na ginawa nila iyon sa akin. Iyon ang naging inspirasyon ko, iyon ang nagdala sa akin sa tinatawag na tagumpay. Ngunit hindi ko nakamtan ang tunay na kaligayahan.. :( malungkot pero totoo..

Kakalungkot din isipin na maliban kay Lord wala ng nakakakilala sa tunay na ako. Kahit mga magulang ko nga eh... Mahirap kasi ako kilalanin.. na waring andaming inililihim ng pagkatao ko. Pero ok lang din iyon para hindi ako mapahamak. Ugali ko rin na kapag ako'y tumulong sa aking kapwa tao iyon ay totoo at bukal sa aking puso. Isa sa mga pinaka ayaw ko ay ang mga taong mapang apak at minamaliit ang mga taong nasa paligid nila..

Isa lamang ako sa mga nangangarap na maging matatag at magtatagumpay sa buhay. Dahil doon unti-unti ko ng nakakamit ngunit parang may mga taong gusto rin akong hilahin paibaba,, huhuuhu.. masakit isipin. Hindi rin alam ng mga mahal ko sa buhay na handa kong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan alang-alang sa kanila. Ni ayaw ko silang masaktan at umaabot na ako sa puntong ako na ang nasasaktan.Sarili ko na ang lumuluha at ako na rin ang nahihirapan.

Palagay ko walang nagmamahal sa akin ngunit tila manhid na ako at hindi ko na iyon nararamdaman. Ni hindi na nga rin ako marunong magmahal ng sarili ko eh.. Ang iniisip ko nalng ay ang aking sarili...makasarili nga siguro ako. O ayaw ko lang na mahalin ako ng mga taong nagmamahal sa akin. Ayoko kasi silang masaktan sa oras na makagawa ako ng mali. Hindi ko gustong magkamali ngunit puro mali ang ginagawa ko. Gusto ko laging tama at nasaayos ang lahat. Gusto kong perfect ang lahat.

Ngunit gusto ko lang pala iyon... Dahil sa mundong ito wala ring perpekto. Sa lahat ng mga taong nasaktan ko sana'y bigyan nyo pa ako ng pagkakataon. At sanay unawain nyo rin ako. Para naman sa mga taong nanakit sa akin, salamat at ginawa nyong bato ang puso ko. Salamat din dahil sa bawat tagumpay ko ay naging bahagi kayo.

No comments:

Post a Comment

Search