Hello po kabayan!
Napag usapan na po natin sa Visit Visa sa UAE - Part 2 ang mga nangyayari sa immigration. Ngayon po pagtuunan naman natin ng pansin ang mga paghahanda sa loob ng Airport.
Mga Paghahanda:
1. Ilagay sa travelling bag ang mga School Documents.
-Huwag po tayong magtangatangahan, itago po natin ang ating mga documents kung ang dahilan po natin ay mag babakasyon. (Pero alam mo sa iyong sarili na ikaw ay maghahanap ng trabaho)
2. Ilagay sa handbag ang pera o atm cards, passport, visa, guarantee of support from sponsor, ballpen, cellphone na ang laman ang roaming sim card at iba pa.
- Para po madali ang paghahanap kung sakali
3. Panatilihing Full Charge ang cellphone.
-Alam naman natin na tatawagan tayo ng sponsor kung saan na tayo.
4. Kung maari pumunta ng maaga sa airport.
-Dahil baka magkaroon ka ng problema sa loob ng immigration
5. Magbihis ng maayos.
-Kung maari dapat presentable ka pagharap sa immigration nang sa ganoon ay hindi ka maliitin alam mo naman sa bayan ng Pilipinas... hahay buhay!
6. Kumain
-Mahal po ang pagkain sa loob kaya kung wala kang maraming pera kumain ka sa bahay nyo.
7. Magdala ng cash para sa mga babayarin sa loob ng airport
-May babayaran po tayo sa loob gaya ng terminal fee at iba pa.. (hindi ko alam kung magkano na)
8. Be Smart and Friendly
-Kung first time po natin huwag tayong mahihiyang magtanong.
9. Check ang baggage baka sobra ang bigat
-Tingnan po sa ticket kung ilang kilo ang maari mong ilagay sa iyong travelling bag.
10. Manalangin
-Ito po ang iyong pinaka mabisang gagawin. Ipaubaya sa maykapal ang lahat. Kung naayon sa plano Niya ang pag tourist visa mo kahit anong mangyari makakaalis ka.
You may also like:
Visit Visa sa UAE- Part 1
Ang iyong kaibigan,
Jean
No comments:
Post a Comment