Actually, it;s very easy to have a tourist visa here in UAE but for us Filipino hindi madaling lusutan ang immigration. Well maybe, immigration care about Filipinos kasi naman po hindi lahat ng nag totourist visa ay nagbabakasyon talaga. Ang main reason talaga ay ang paghahanap ng trabaho. Kagaya ko, nag visit visa ako hindi para mamasyal kundi para maghanap ng trabaho at ng sa ganun ay magiging maginhawa din ang buhay.
How to process tourist visa?
1. Dapat may kakilala ka sa UAE. (Friends, Family or Relatives)
*Mas madali kung parents, sisters, brothers mo ang nasa UAE
*Okay lang relatives basta may proofs ka na magkamag-anak kayo.
2. Dapat may PERA ka.
Kasi po, tatanungin ka sa immigration bakit ka pupunta ng UAE. Sympre po denial queen and king tayo at ipagdidiinan nating magbabakasyon. Pero mas magaling ang taga immigration mabilis kang mahuhuli, maybe iba sa kanila doon naghahangad na aabutan mo ng pera. Kaya maghanda ka talaga ng maraming pera para mapatunayan na kaya mong "mag tour".
3. Dapat handa ka sa mga possibleng mangyayari sa immigration.
May answer at portion po kasi doon, Sample na tanong, "Sino ang pupuntahan mo sa UAE?", "Bakit ka pupunta doon?" "Anong gagawin mo"? "May pera ka ba?" at marami pang iba. Naku po kabayan, pagsinabi mong "magbabakasyon" po ako sasagutin ka nila ng, "Alam mo, ang mga tao sa UAE busy at lahat ng pumupunta doon kay naghahanap buhay. Ipunin mo nalang pera mo para sa pagtanda mo"Tama bang makikialam? haha! Pero sinabi ko din dati na magbabakasyon ako kaya yan sinagot sa akin. Ngunit, may kakilala ako na nasa UAE ang sabi nya huwag sa first attempt to fly UAE ay "maghahanap po ako ng trabaho" kaya ayun, offloaded sya. Noong nag deny sya at naghanap ng matinding dahilan, naku po nakalusot! Pero may isang kaibigan din akong nagpayo at sinabing, maging honest sa immigration nakalusot din naman. Kaya kabayan sa tingin ko po, dapat handa tayo bago pumasok sa ganitong sitwasyon. Sabi ng nag sponsor sa akin "Jean, be smart. Kahit "Friend" lang sponsor mo makakaalis ka, Be consistent sa mga sagot." Yes po kabayan, dapat consistent ang sagot kasi nga po paulit-ulitt ang nonsense na tanong sa immiggation.
Tips po: kung ikaw ay babae mas mabuting sa lalaki ka mgpainterview at gamitin mo ang charm mo.
-Para po sa mga sisters/brothers/parents na sponsor: madali lang po ang lahat kaya wag mangamba subalit huwag din masyadong kampante dahil marami parin ang na offloaded.
-Para po sa relatives/distant cousin/kaapelyido: maghanda parin kasi marami din ang offloaded kapag hindi maayos ang sagot mo.
-Para sa friend: dapat talagang paghandaan ang lahat dahil maraming pagdududa ang magaganap.
Abangan po ang Visit Visa sa UAE - Part 2.
Ang iyong kaibigan,
Jean
No comments:
Post a Comment